dzme1530.ph

PNP, NANAWAGAN SA SK OFFICIALS NA MAKIPAGTULUNGAN SA MGA AWTORIDAD UPANG MAPIGILAN ANG POSIBLENG KARAHASAN SA KABATAAN

Loading

Hinimok ng PNP ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagtukoy ng early warning signs sa kabataan, upang mapigilan ang paglaganap ng banta ng karahasan.

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na nasa mas magandang posisyon ang SK officials para matukoy ang concerns na kinasasangkutan ng mga mag-aaral at iba pang kabataan, at mahikayat ang mga ito sa mga positibong aktibidad.

Ginawa ng PNP ang panawagan matapos manghimasok sa dalawang magkahiwalay na kaso na kinasasangkutan ng mga estudyante na nag-post ng mga litrato ng mga baril sa social media.

Nakuha nito ang atensyon ng mga awtoridad matapos i-report ng concerned citizens ang naturang social media posts.

Para kay Nartatez, binigyang-diin ng mga insidente kung paano nakatulong sa mga pulis ang impormasyon mula sa mga miyembro ng komunidad bago pa man mangyari ang isang potensyal na banta.

About The Author