![]()
Mabilis na tinapos ng House of Representatives ang plenary deliberations para sa 2027 budget ng Office of the Vice President (OVP) nang walang anumang interpellations.
Si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang nag-move na i-terminate ang interpellations na sinugondahan ni Palawan 3rd District Rep. Gil Acosta sa bahagi ng majority.
Inaprubahan ang motion nang walang pagtutol o pagtatanong mula sa floor.
Ipinanukala ng OVP ang 785.204 million pesos na budget para sa susunod na taon.
Mas mababa ito ng 11.7% kumpara sa 889.236 million pesos na inilaan pondong para sa opisina ng Pangalawang Pangulo ngayong 2026.
