dzme1530.ph

Loading

KINUMPIRMA ni Senador Rodante Marcoleta na wala na siyang interes na lumahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Sa ipinadalang statement ni Marcoleta, sinabi ng nakakulong na senador na nakipag-ugnayan na siya sa Senado at sa Impeachment Court dalawang buwan na ang nakalipas at patuloy siyang naninindigan na ang pagkakatalaga kay Senator Chiz Escudero bilang presiding officer ay labag sa Konstitusyon.
 
Ipinaliwanag ni Marcoleta na nakasaad sa records ng 1986 Constitutional Commission na ang nais ng mga framers ng saligang batas ay Senate President ang magpe-preside sa impeachment trials maliban kung ang nililitis ay Pangulo ng bansa.
 
Binigyang-diin ni Marcoleta na hindi maaaring ipilit ng Senado ang kanilang internal rules para baguhin ang voting threshold na itinatakda ng Konstitusyon.
 
Idinagdag pa ng senador na ang kapangyarihan ng Senado sa pagtatakda ng rules ay pawang procedural lamang at hindi constituent.
 
Malinaw anya na ang internal rule ay hindi maaaring mag-amyenda, magpalawak o mag-override ng mahahalagang utos ng Konstitusyon.
 
Kung i-a-adopt anya ng Impeachment Court ang voting threshold na taliwas sa nakasaad sa Konstitusyon at kung kwestyunable rin ang presiding authority, ang kambal na paglabag na ito ay tiyak na sisira sa legitimacy at integrity ng impeachment trial.

About The Author