dzme1530.ph

PAGKAMATAY NG APAT NA ESTUDYANTE DAHIL SA LEPTOSPIROSIS, PAALALA PARA SA IBAYONG PAG-IINGAT

Loading

UMAPELA si Senador Christopher Bong Go sa publiko para sa ibayo pang pag-iingat laban sa leptospirosis makaraang apat na estudyante sa Sta Maria National High School sa Bulacan ang nasawi dahil sa sakit.
 
Sinabi ni Go na dapat maging paalala sa lahat ang sinapit ng apat na kabataan na maaaring maging dahilan ng kamatayan ang leptospirosis at hindi dapat hintaying lumala ang mga sintomas bago magpatingin sa doktor.
 
Kabilang sa mga nabikitima ang 16-anyos na si Mark Daniel Oquelda na naghintay pa ng ilang araw makaraang lagnatin at makaranas ng pananakit ng tyan at matinding panghihina bago isinugod sa pagamutan at isinailalim sa emergency dialysis.
 
Muling hinikayat ni Go ang mga naexpose sa baha na agad magpakonsulta sa health center kahit wala pa silang nararamdamang sintomas.
 
Hiniling din ng senador sa health authorities na palakasin ang information campaign laban sa sakit.
 
Binnigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng madaling access sa serbisyong pangkalusugan at tulong pinansyal para sa mga pasyenteng walang sapat na kakayahang panggastos.

About The Author