dzme1530.ph

PAGBANGGA NG BARKO NG CHINA SA BFAR VESSEL, HINDI KATANGGAP-TANGGAP NA PAGLABAG SA INTERNATIONAL LAW, AYON SA DEFENSE CHIEF

Loading

Binatikos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagbangga ng China Coast Guard (CCG) vessel sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea.
 
Tinawag ito ni Teodoro na paglabag sa international law na hindi maaaring balewalain ng Pilipinas.
 
Binigyang-diin ng kalihim na ang naturang paglabag ay maaaring ituring na “criminal act” kung may nasaktan sa naturang insidente.
 
Idinagdag ng Defense chief na hindi nila palalampasin ang nasabing paglabag sa international law, kasabay ng pagtitiyak na tutugunan nila ang isyu.
 
Nangyari ang insidente noong Biyernes, malapit sa Abad Santos Shoal, 54 nautical miles mula sa Palawan, sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

About The Author