dzme1530.ph

PINAY TENNIS SENSATION ALEX EALA, DIRETSO NA SA ROUND-OF-16 NG SINGAPORE TENNIS OPEN

Loading

Tumanggap si Filipina tennis star Alex Eala ng bye para diretsong makausad sa second round ng 2026 Singapore Tennis Open, kung saan siya ay third seed.
 
Makakalaban sa Round of 16 ni Eala kung sino ang mananalo sa match sa pagitan nina Tatiana Prozorova ng Russia at Sofia Costoulas ng Belgium.
 
Ito ang unang match ng bente uno anyos na Pinay simula noong US Open, kung saan nagpaalam siya sa third round matapos ang marathon three-set showdown laban kay Iva Jovic ng US.
 
Inaasahang makahihikayat muli si Eala ng malaking crowd sa Singapore, kung saan gaganapin ang WTA 500 event sa OCBC Arena, simula ngayong Lunes.

About The Author