![]()
Makikipagpulong si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa Qatar na key mediator sa US-Iran war bago bumiyahe sa New York para dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA).
Sa ulat ng state news agency na IRNA, umalis ng Tehran ang minister para magtungo sa New York subalit dadaan muna ito sandali sa Doha para magsagawa ng konsultasyon kaugnay sa mga pinakahuling kaganapan sa rehiyon.
Ang pagdaan sa Doha ay naganap kasabay ng muling paglalahad ng Iranian officials ng mga kondisyon ng Tehran para wakasan na ang blockade sa Strait of Hormuz.
Binarahan ng Tehran ang mahalagang waterway bilang ganti sa pag-atake ng Estados Unidos at Israel.
