![]()
Hiniling ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Information Technology (IT) communities na lumapit at tumulong sa pamahalaan.
Kasunod ito ng pinakabagong insidente ng karahasan sa paaralan sa Cotabato City na iniuugnay sa dark web.
Ginawa ni CICC Executive Director Aboy Paraiso ang panawagan sa iba’t ibang ICT communities, hacking communities, computer forums.
Sinabi ni Paraiso na hindi na ito usapin na itama sila sa gobyerno dahil aminado sila sa kanilang mga kakulangan.
Aniya, magtulong-tulong sila para sa mga kabataan, dahil hindi kailangan ng panibagong insidente sa pamamagitan ng pagbuwis ng isa pang buhay.
Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang shooter sa Banga National High School ay lulong sa dark web.