dzme1530.ph

PINAKAMALAKING MOSCOW DRONE ATTACK, INILUNSAD NG UKRAINE SA HULING ARAW NG ELEKSYON SA RUSSIA

Loading

Inilunsad ng Ukraine ang tinawag na biggest drone attack sa Moscow, sa huling araw ng parliamentary elections sa Russia.
 
Ayon sa mayor ng Moscow at election authorities, pumatay ng dalawang indibidwal ang drone strikes sa kabisera ng Russia at dalawang iba, kabilang ang isang election official sa Kherson Region.
 
Napinsala rin sa naturang pag-atake ang isang pasilidad sa oil refinery ng Moscow.
 
Sinabi ng Moscow Mayor na ang unprecedented attack ay malinaw na plinano para guluhin ang eleksyon.

About The Author