![]()
Mas madali na para sa mga Pilipino ang paglahok sa Series G at H preferred share offering ng Arthaland Corporation (ALCO), sa pamamagitan ng GStocks PH ng GCash, na iniaalok ng broker na AB Capital Securities Inc.
Nagkakahalaga ng 500 pesos bawat share ang offer.
Ang Series G (ALCPG) ay may dividend rate na 5.3260% kada taon habang ang Series H (ALCPH) ay 7.8105% kada taon, alinsunod sa mga tuntunin at kondisyon ng offer.
Karaniwang nagbibigay ang preferred shares ng fixed dividends at prayoridad sa pagtanggap ng mga dibidendo kumpara sa common shares.
Tatagal ang offer period hanggang sa Sept. 25.
Layunin ng offering na mapalawak ang access ng retail investors sa iba pang paraan upang magkaroon ng potential income mula sa kanilang investments, habang ginagawang mas convenient ang paglahok sa stock market.
