dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, PINANGUNAHAN ANG GROUNDBREAKING PARA SA NAIA-3 STATION NG METRO MANILA SUBWAY

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ng Metro Manila Subway Station sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Sinabi ng Pangulo na ang NAIA Terminal 3 Subway Station Project na nasa ilalim ng Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Package 109 (CP109) ay kinapapalooban ng underpinning ng umiiral na NAIA Expressway piers.

Binigyang-diin ni Marcos na ang right-of-way para sa terminal link ay “100 percent” secured, kaya maaari nang magpatuloy nang may malaking katiyakan ang pagpapatayo ng istasyon sa NAIA Terminal 3.

Sa ilalim ng CP109, matatagpuan ang subway station sa NAIA Terminal 3 open parking lot at konektado sa NAIA Terminal 3 building, sa pamamagitan ng kooperasyon sa New NAIA Infra Corporation.

About The Author