![]()
Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang listahan ng first batch ng monthly financial assistance sa modern public utility vehicle operators na umaabot sa siyam na milyong piso.
Ayon sa LTFRB, 16 na tseke na nagkakahalaga ng 9.080 million pesos ang na-release na sa labing-anim na transport service entities sa buong bansa.
Batay sa guidelines na inilabas ng LTFRB, ang mga registered at accredited TSEs ay bibigyan ng fixed amount na 20,000 na monthly amortization payments upang mabayaran ang existing loans ng bawat modern PUV unit na naprocure nang sinimulan ang programa.
Ayon kay LTFRB Acting Chairperson Greg Pua, na maging ang mga nakabayad na sa kanilang mga unit ay makatatanggap pa rin ng 20,000 pesos na monthly amortization.
