![]()
Tiniyak ng defense team ni Vice President Sara Duterte na nakahanda na ang kanilang paliwanag kaugnay sa pagtaas ng net worth ng Bise Presidente.
Ayon pa kay Atty. Michael Wesley Poa, tagapagsalita ng defense team, sa tamang panahon ay malalaman ng publiko ang kanilang istratehiya.
Samantala, ipinaalala ni Poa na record custodian lamang ng Ombudsman si Atty. Karen Batu at hindi ito makapagbigay ng konklusyon kung may illegal o hindi idineklarang yaman sa mga SALN.
Sinabi rin ni Poa na hindi pa si Batu ang tamang testigo para mag-interpret ng mga alituntunin sa SALN, kabilang ang cash declarations.
Idinagdag ng abogado na sa mga susunod na testigo o sa presentasyon mismo ng depensa ipapaliwanag ang mga pagbabago sa yaman ni VP Sara.
