dzme1530.ph

SEN. ROBIN PADILLA, INISYUHAN NG SUBPOENA NG DOJ

Loading

Inisyuhan ng subpoena ng Department of Justice si Senador Robinhood Padilla para humarap sa preliminary investigation sa pagpapalakas umano kay Senador Ronald dela Rosa.

Pinahaharap si Padilla sa September 25 at October 9, alas-dos ng hapon, sa DOJ Panel of Prosecutors, sa punong tanggapan ng DOJ sa Ermita.

Pinagsusumite siya ng kanyang counter-affidavit at iba pang supporting documents kasama ang affidavits ng kanyang mga testigo kung mayroon na panunumpa doon sa DOJ sa pagharap niya sa mga nabanggit na araw.

Nakasad sa subpoena na ito ay kaugnay ng preliminary investigation sa reklamong paglabag sa Presidential Decree 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.

Ang reklamo ay isinampa ng Philippine National Police.

About The Author