![]()
Pinaaalaalahanan ng mga eksperto ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng sambong, isang halamang gamot na karaniwang ginagamit bilang diuretic o pampalabas ng ihi.
Ayon sa mga doktor, bagama’t kinikilala ang sambong para sa ilang kondisyon, hindi ito dapat inumin nang walang tamang gabay, lalo na ng mga buntis, nagpapabreastfeed, at mga may sakit sa bato o atay.
Maaari rin itong maging kontra sa ilang gamot, kabilang ang mga diuretics at gamot sa altapresyon, na posibleng magdulot ng sobrang pagbaba ng presyon o pagkaubos ng likido sa katawan.
Pinapayuhan ang publiko na huwag lumampas sa inirerekomendang dosage at kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng anumang halamang gamot.
Paalala ng mga eksperto, ang mga herbal na produkto ay hindi kapalit ng tamang medikal na gamutan at dapat gamitin nang may pag-iingat para maiwasan ang hindi inaasahang epekto sa kalusugan.
