![]()
Tinapos ng Gilas Pilipinas Women ang opening day ng 2026 FIBA 3×3 U23 World Cup nang walang panalo matapos kapusin sa magkaibang koponan sa Wuhan, China.
Nabigo ang Pinay squad na binubuo nina Elaine Patio, Louna Ozar, Jamanah Meniano, at Marielle Vingno, laban sa koponan ng France at Italy.
Dahil dito, nalaglag ang record ng Pilipinas sa 0-2 sa Pool A.
Unang natalo ang Filipinas sa kanilang French counterparts sa score na 21-4 at naulit ito sa match laban sa Italy sa score na 19-9.
Makakasagupa naman bukas ng Gilas Women ang koponan ng Egypt at host na China.
