![]()
Habang walang baha, nakiisa ang beteranong aktor na si John Arcilla para sa pagsasabatas ng panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act kasunod ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Arcilla, na mas kilala sa kanyang papel sa pelikulang “Heneral Luna,” ang post ni Jaycon Verallo, na nananawagan sa kapwa content creators na paingayin ang panukalang batas ni Sen. Bam Aquino.
Hindi ito ang unang beses na nagpaahayag ang aktor ng suporta sa panukala ni Aquino na kilala rin bilang Blockchain the Budget Bill.
Sinabi ni Arcilla na hindi ang senador ang makikinabang sa naturang panukalang batas kundi ang mamamayang Pilipino.
Binigyang-diin pa niya na ang paggamit ng blockchain technology sa pagba-budget ng gobyerno ay magtitiyak ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.
Nauna nang nagpahayag ng suporta sa panukalang CADENA Act ang iba’t ibang mga artista, musikero, at influencers, gaya nina veteran actor Edu Manzano, Cinemalaya Best Actress na si Pokwang, radio host na si DJ Jhaiho, digital creator Aviona Starr, content creator Lexi Mercader, at vlogger na si Kimifierce.
