![]()
Pumanaw na ang Hollywood designer na si Bob Mackie, sa edad na 87, ayon sa post sa kanyang official Instagram account.
Tumagal ang kanyang career ng limang dekada at kabilang dito ang pagde-design ng Barbie doll clothes collection.
Isinilang noong 1939 sa isang middle-class family sa Monterey Park sa California, na-nominate si Bob ng mahigit 30 Emmys, at nanalo ng siyam.
Tumanggap siya ng Academy Award nominations para sa costumes na isinuot sa mga pelikulang “Lady Sings the Blues,” “Funny Lady,” at “Pennies from Heaven.”
Hindi naman tinukoy sa social media post ang cause of death ng fashion designer.
