dzme1530.ph

DEFENSE TEAM NI VP SARA DUTERTE, BIGONG GIBAIN ANG KREDIBILIDAD NG TESTIGO NG HOUSE PROSECUTION

Loading

Bigo ang defense team ni Vice President Sara Duterte na “isabotahe” ang testimonya ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo-Cabotaje-Tang, ayon sa House prosecution panel.
 
Sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list na intact ang credibility ng kanilang witness.
 
Aniya, 44 years nang nagsilbi sa gobyerno si Cabotaje-Tang na tumestigo kung bakit mahalagang i-report ng public officials ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), kung bakit mabigat ang katapatan lalo na sa matataas na opisyal ng pamahalaan, at kung bakit kailangang transparent at accountable sila sa kanilang kayamanan.
 
Muli ring pinasalamatan ni Ridon si Cabotaje-Tang sa serbisyo nito sa bansa at sa pagbibigay-diin nito sa mensahe na “Public office is a public trust.”

About The Author