dzme1530.ph

CARPAL TUNNEL SYNDROME, PANANAKIT AT PAMAMANHID NG KAMAY HUWAG IPAGWALANG-BAHALA, ALAMIN

Loading

Dumarami ang mga taong nakararanas ng pamamanhid, pangangalay, at pananakit ng kamay dahil sa carpal tunnel syndrome, isang kondisyong nakaaapekto sa ugat na dumaan sa pulso.
 
Ayon sa mga doktor, nangyayari ito kapag ang median nerve ay naiipit sa loob ng carpal tunnel, na maaaring dahilan ng paulit-ulit na paggalaw ng kamay, matagal na paggamit ng keyboard o cellphone, o ilang kondisyong medikal tulad ng diyabetis.
 
Kabilang sa mga sintomas ang pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, at hinlalato, pananakit na umaabot sa braso, at panghihina ng paghawak ng mga bagay.
 
Pinapayuhan ang mga eksperto na magpahinga ng kamay, mag-stretch nang regular, panatilihing tama ang posisyon ng pulso habang nagtatrabaho, at magpatingin sa doktor kung tumatagal o lumalala ang mga sintomas.
 
Paalala ng mga doktor, ang maagang pagpapasuri at tamang gamutan ay makatutulong upang maiwasan ang tuluyang pinsala sa ugat at maibalik ang normal na paggamit ng kamay. 

About The Author