![]()
Ginamit sa pagdinig sa kasong plunder ni Senador Rodante Marcoleta ang naging pahayag ng mambabatas sa telebisyon kaugnay ng pagtanggap ng 75 million pesos na campaign donation.
Batay sa kahilingan ni Prosecutor Joshua Tan, pinayagan ng korte na i-play sa pagdinig ang video footage.
Ang footage ay mula sa TV program ni Marcoleta na inere noong November 8, 2025, kung saan niya inamin na binigyan siya ng mga kaibigan niya ng campaign contributions sa kondisyong hindi ilalantad ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa video footage, sinabi ni Marcoleta na iginiit ng kanyang mga kaibigan na deserve niyang makarating sa Senado kaya’t ibinigay ang kanilang donasyon.
Bukod kay Marcoleta, nahaharap din sa kasong plunder ang kanyang mga donors na sina dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
