![]()
Posibleng abutin ng ilang linggo o buwan bago matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng nasunog na ferry sa Coron, Palawan na ikinasawi ng pitumpu’t anim na katao.
Sinimulan na ng forensic experts ang pangongolekta at pagkukumpara ng DNA samples mula sa mga nasunog na labi.
Habang patuloy pa ring inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng isa sa deadliest maritime disasters sa bansa sa mga nakalipas na taon.
Ginawa ang assessment, isang araw matapos marekober ng rescuers ang apatnapu’t isang labi mula sa ferry, dahilan para umakyat sa 76 ang death toll at bumaba sa labintatlo ang nawawala.
Sa statement mula sa Maritime Industry Authority (MARINA), batay sa salaysay ng survivors, dalawang pagsabog ang narinig sa loob ng barko, ilang sandali bago sumiklab ang sunog.
