![]()
Idineklara ng provincial government ng Albay ang state of calamity sa gitna ng paglobo ng kaso ng dengue.
Simula January hanggang Sep. 8, pumalo na sa 1,785 infections ang naitala sa lalawigan.
Ayon sa Albay Provincial Health Office, labing-apat sa mga tinamaan ng dengue ang nasawi.
Nakapagtala ang Legazpi City ng pinakamaraming kaso ng dengue na halos umabot sa 380, mula sa labing-walong lungsod at munisipalidad ng probinsya.
