dzme1530.ph

LALAKI, SUGATAN SA SUMAMBULAT NA PAMPASABOG SA COTABATO CITY

Loading

Isang lalaki ang agaw-buhay matapos lubhang masugatan sa pagsabog sa Amirul School, sa Barangay Kapimpilan, Mother Kalanganan, sa lungsod din ng Cotabato, kagabi.
 
Batay sa initial reports, nasugatan ang lalaki nang sumambulat ang kanya umanong bitbit na explosive device.
 
Nabatid na ang biktima ay residente ng Poblacion Uno.
 
Inaalam pa ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente habang nilalapatan ng lunas ang biktima.

About The Author