dzme1530.ph

VP SARA, PINAGRE-RESIGN SI PANGULONG MARCOS NA TINAWAG NITONG SINUNGALING, ABUSADO, AT WALANG HIYA

Loading

Nanawagan si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumaba sa puwesto.

Ginawa ng Bise Presidente ang panawagan sa isang rally sa Quezon City kasunod ng pagpapaliban sa kanyang arraignment sa kasong grave threats.

Sa harap ng kanyang supporters, sinabi ni VP Sara na patuloy siyang mananawagan ng pagpapalayas sa problema ng bansa na ang pangalan ay Bongbong Marcos.

Tinawag din ni Duterte si Marcos na sinungaling, abusado, walang utang na loob sa taumbayan, at walang hiya.

Idinagdag ng Vice President na patuloy siyang makikipaglaban sa mga abusado, sa mga adik, at sa mga korap.

About The Author