![]()
Ini-evaluate pa ang inihain na reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Batangas First District Rep. Leandro Leviste at anim na iba kaugnay sa umano’y plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Pahayag ito ni Justice Secretary Fredderick Vida, kasabay ng paliwanag na sa ilalim ng rules, mayroong sampung araw para i-evaluate at tukuyin kung ang reklamo ay ibabalik sa NBI o ipagpapatuloy sa preliminary investigation.
Ayon sa kalihim, inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng qualified human trafficking charges laban sa mga respondent noong Sep. 4.
Kabilang sa mga respondent sina Leviste, dating Negros Oriental Jacinto “Jing” Paras, apat na abogado, at isa pang indibidwal.
Matatandaang nailigtas ng mga tauhan ng NBI ang ilang indibidwal sa entrapment operation at isiniwalat ng ibang biktima na pinangakuan sila ni Paras na babayaran sila kapalit ng paglikha ng kuwento at paglagda sa affidavit.
