![]()
Naglabas na ng commitment order ang Sandiganbayan Third Division para kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.
Sa kautusan ng anti-graft court, palilipat ang kongresista sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Inilabas ang kautusan matapos ang pagdinig sa mosyon ni Romualdez na aprubahan ang pananatili niya sa Cardinal Santos Medical Center kung saan kasalukuyang ginagamot ang kanyang heart at brain-related illnesses.
Tinutulan ng Ombudsman ang mosyon ng kongresista sa paggiit na maaaring gamutin sa labas ng Cardinal Santos Medical Center ang kanyang karamdaman.
Si Romualdez ay nahaharap sa kasong plunder sa halagang 7.4 billion pesos dahil sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
