![]()
Hihilingin ng prosecutors sa team ng government doctors na i-assess ang mga sakit ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, na kasalukuyang naka-confine sa isang pribadong ospital matapos itong arestuhin sa kasong plunder, ayon sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na hindi lang isang doktor, kundi grupo ng mga doktor mula sa pamahalaan ang nais ng prosecutors na mag-assess kung kailangan ba ng confinement o maaari namang i-manage sa labas ng ospital ang mga sakit ng dating speaker.
Aniya, kung kayang i-manage ang mga sakit ni Romualdez sa labas ng ospital ay agad hihilingin ng prosecutors na mailipat ito sa regular detention facility, gaya ng lahat ng ibang mga akusado sa non-bailable cases.
Sa urgent motion ni Romualdez para sa patuloy na hospital confinement, bukod sa hypertension at Type 2 diabetes, dumaranas din ito ng hypertensive atherosclerotic cardiovascular disease, unstable angina, coronary artery disease, post percutaneous coronary intervention, cerebrovascular ischemic disease, dyslipidemia, at primary hypothyroidism.
Bukas ay tatalakayin sa hearing ng Sandiganbayan Third Division kung saan nai-raffle ang 7.4-billion peso plunder case laban kay Romualdez at tatlong iba pa, ang kanyang motion for hospital confinement.
