![]()
Nagtalaga si Vice President Sara Duterte ng tagapagsalita para sa kanyang tanggapan.
Sa katauhan ito ni Atty. Paolo Panelo na magsisilbing official point of communication ng Office of the Vice President.
Kasama sa tungkulin ni Panelo ang pagpapahayag ng pananaw at posisyon ng Bise Presidente gayundin ang pakikiharap sa mga kagawad ng media at publiko sa iba’t ibang usapin.
Umaasa naman ang OVP na pangungunahan ng abogado ang pagtiyak na mas magiging accessible, malinaw at mabilis ang mga impormasyon na ipararating sa publiko.
