dzme1530.ph

PNP GENERAL HOSPITAL, HANDA NA KUNG SAKALING ILIPAT SA KANILA SI CONG ROMUALDEZ

Loading

Tiniyak ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez na handa ang PNP General Hospital kung sakaling ipag-utos ng Sandiganbayan ang paglipat kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Nartatez na hihintayin na lamang nila ang direktiba mula sa Sandiganbayan at isasaayos ang security at custodial arrangements.

Tiniyak ni Nartatez na handa ang kanilang pasilidad at mga tauhan na magbigay ng medical care sa mambabatas.

Itinakda ng Sandiganbayan Third Division ang hearing sa mosyon ng kongresista para sa continued hospital confinement bukas.

About The Author