![]()
Inamin ni Frankie Pangilinan na matagal na silang hindi nag-uusap ng half-sister na si KC Concepcion, kasabay ng paglilinaw na mahal pa rin niya ang kanyang ate.
Ginawa ni Frankie ang pag-amin sa interview ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, kung saan tinanong nito ang tungkol sa umano’y gap nilang magkapatid.
Sinabi ni Frankie na naniniwala siya na bawat pamilya ay mayroong pinagdadaanan at inaayos naman nila ito.
Idinagdag niya na hindi niya kailanman inisip na half-sister niya si KC, kahit na magkaiba sila ng ama.
Si Frankie ay anak ni Sharon Cuneta kay Sen. Francis Pangilinan habang si KC ay panganay na anak ng Megastar sa aktor na si Gabby Concepcion.
