dzme1530.ph

BAWAT PAGLALAAN AT PAGGASTOS SA PERA NG TAUMBAYAN, DAPAT MAGING MALINAW AT MASUSING MASURI

Loading

Sa gitna ng pagtalakay ng Senado sa panukalang 2027 National Budget, pinatitiyak ni Senador Kiko Pangilinan na hindi masasayang sa katiwalian ang pondo.

Ipinaalala ni Pangilinan na ang bawat pisong kinokolekta mula sa publiko ay dapat gastusin para sa kanilang kapakanan at hindi dapat mawaldas sa katiwalian, kickback, ghost projects o mga programang hindi kailangan.

Dapat anyang maging malinaw, accountable at masusing masusuri ang bawat paglalaan at paggastos ng pera ng taumbayan.

Dapat din anyang maramdaman ng bawat Pilipino ang National Budget sa kanilang araw-araw na buhay tulad ng mas mababang presyo ng pagkain, mas maraming oportunidad sa trabaho, at mas mataas na kita para sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at mga maliliit na negosyo.

Idinagdag ng senador na kailangang palakasin ang budget para sa healthcare, sapat at napapanahong ayuda, rehabilitasyon para sa mga pamilyang nawawalan ng bahay, kabuhayan, pananim at ari-arian dahil sa bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad.

About The Author