![]()
Nagpasaring si Senador Imee Marcos na mula sa impeachment court ay nalipat na ang teleserye sa Cardinal Santos.
Ito ay makaraang pansamantalang sinuspinde ng impeachment court ang pagdinig sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Sa ruling ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero, walang pagdinig ngayong araw na ito makaraang magdesisyon ang House Prosecution Panel na hindi na iprisinta ang iba pang testigo para sa Article 1 o ang kasong may kinalaman sa paggamit confidential fund.
Magbabalik ang impeachment trial sa Lunes, alas-dyes ng umaga.
Hindi na pinalawig ni Marcos ang kanyang pahayag subalit matatandaan na si dating House Speaker Martin Romualdez ay naka-hospital arrest sa Cardinal Santos Medical Center.
Bukod dito, tumanggi na si Marcos na magkomento sa kasong kinakaharap ng pinsan na si Romualdez na una na rin niyang tinukoy na utak ng mga anomalya sa flood control projects.
