dzme1530.ph

FORMER SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, PINADADALO NG SANDIGANBAYAN SA HEARING BUKAS

Loading

Inatasan ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez na dumalo sa hearing bukas, Sep. 10, alas-otso y medya ng umaga, para sa motion na ipagpatuloy ang kanyang hospital confinement.

Nananatiling naka-confine ang Leyte representative sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City simula noong Lunes, nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ng anti-graft court kaugnay sa 7.4-billion peso plunder case.

Agad namang naghain ang kampo ng kongresista ng petisyon sa 3rd Division ng Sandiganbayan para payagan itong manatiling naka-confine sa ospital bunsod ng iba’t ibang sakit.

Inatasan din ang akusado at ang kanyang mga doktor na magbigay sa hukuman sa nasabing pagdinig ng resulta ng lahat ng mga nauukol na medical examinations ni Romualdez.

Dapat ding mabigyang-diin na ang kustodiya ng akusado ay sa Sandiganbayan at kung mayroon concerns sa medical condition ni Romualdez, ang anti-graft court lamang ang makapagsasabi kung ang naturang kondisyon ay nakakaapekto sa implementasyon ng warrant, sa pagkaka-ospital ng akusado, o sa kanyang commitment sa isang jail facility.

About The Author