dzme1530.ph

ALEX EALA AT IVA JOVIC, MULING MAGHAHARAP SA THIRD ROUND NG US OPEN

Loading

Muling maghaharap ang magkaibigang Alex Eala at Iva Jovic sa third round ng US Open.
 
Ilang oras matapos pataubin ng Pinay tennis sensation si Oleksandra Oliynykova sa score na 6-1, 6-4, naipanalo rin ni Jovic ang match laban kay Francesca Jones, sa score na 6-4, 6-4, para makausad sa susunod na round ng tournament.
 
Una nang nagkasagupa ang dalawa sa “Stars of the Open” exhibition match noong nakaraang linggo, kung saan nanalo ang American tennis player sa score na 6-3.
 
Naglaban na rin sina Eala at Jovic sa French Open noong Mayo at HSBC Championships noong Hunyo, na parehong naipanalo ng US tennis star.

About The Author