dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NAG INSPEKSYON SA PICC BAGO ANG HOSTING NG PILIPINAS SA ASEAN SUMMIT

Loading

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City bilang bahagi ng paghahanda para sa hosting ng Pilipinas sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinuri ng Pangulo ang mga pasilidad sa PICC upang matiyak ang kahandaan ng bansa na pangunahan ang ASEAN Summit ngayong taon.
 
Ang PICC na itinuturing na National Cultural Treasure, ay ang kauna-unahang international convention sa Asya at nagsilbing host ng mga makasaysayang global at local events simula nang buksan ito noong 1976.
 
Isinailalim ang building sa extensive complex-wide renovation, dahil gagamitin itong main venue para sa hosting ng bansa sa ASEAN Summits sa Nobyembre.
 
Muling binuksan ang PICC noong Sept. 2025, kung saan ipinakita ang bagong state-of-the-art technologies at upgrades.
 
Aug. 25 naman ng pangunahan ni Pangulong Marcos ang reopening ng makasaysayang Coconut Palace na magsisilbi ring isa sa venues para sa regional summit.

About The Author