![]()
POSIBLENG magkaroon ng reenacted budget sa unang bahagi ng taong 2027 kung ire-recall o babawiin ng Kamara ang ipinasa nilang General Appropriations Bill para sa susunod na taon.
Ito ang babala ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito kasunod ng impormasyon na ilang kongresista ang nagsusulong na bawiin nila ang HGAB.
Kasabay nito, umapela si Ejercito sa kanyang House counterpart na sa bicameral conference committee na lang nila pag-usapan at pagkasunduan ang kani-kanilang mga bersyon ng budget bill.
Ipinaliwanag ng senador na masikip na ngayon ang schedule ng Senado dahil bukod sa pagtalakay sa budget ay may impeachment trial pa at makakaapekto rin sa kanila ang kawalan ng pasok dahil sa ASEAN Summit.
