dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, AGAD NAG-REQUEST NG CONFIDENTIAL FUNDS DALAWANG BUWAN PA LAMANG MATAPOS MAUPO SA PWESTO

Loading

Dalawang buwan pa lamang sa pwesto bilang pangalawang pangulo, nag-request na agad ng confidential funds si Vice President Sara Duterte.
 
Ito ang panimulang impormasyon na inilahad ni Atty. Mae Divinagracia, private prosecutor ng House panel na siya ring nagsagawa ng direct examination kay Mr. Lemuel Ortonio, Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff ng OVP.
 
Kinumpirma ni Ortonio na walang confidential fund ang OVP sa panahon ni former Vice President Leni Robredo.
 
August 22, 2022, o wala pang dalawang buwan sa pwesto, sumulat na ito sa DBM para mag-request ng P250-M confidential funds.
 
Mismong si VP Sara umano ang nakapirma sa sulat, at nasa discretion din nito kung magkano ang kailangang pondo.
 
September 15, humingi umano ang DBM ng supporting plan dahil ang request for confidential funds ay walang computation, projection, physical and financial plan o PFP.
 
December 2022, nang mabigyan ng pondo si VP Sara sa halagang P125-M o kalahati ng original request nito, at base sa record, ginastos ang buong halaga mula Dec. 21 to 31 o sa loob ng labing isang araw lamang.

About The Author