dzme1530.ph

PHILHEALTH AT ST. LUKE’S, NAGKASUNDO PARA PALAKASIN ANG IMPLEMENTASYON NG “NO CO-PAYMENT” POLICY

Loading

Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang partnership sa pagitan ng St. Luke’s Medical Center-Global City at ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para palakasin ang implementasyon ng “No Co-Payment Policy.”
 
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PhilHealth at St. Luke’s ay repleksyon ng commitment ng pamahalaan na gawing mas abot-kaya ang pagpapagamot, partikular sa mga pasyenteng nangangailangan ng specialized treatment.
 
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na mahirap magkasakit subalit para sa mas nakararaming pamilya, mas ikinababahala nila kung paano matutustusan ang gamutan na kanilang kailangan.
 
Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagpili ng pribadong ospital ay hindi nangangahulugan na ang pasyente o kanilang pamilya ay may kakayahang gumastos.
 
Karamihan aniya sa mga ito ay bumabalik sa private hospitals dahil sa alok na specialized expertise, advance equipment at complex treatment.
 
Layunin ng No Co-Payment Policy na tiyakin na ang qualified members ay hindi na kailangang magbayad ng out of pocket para sa covered hospital services matapos i-apply ang benepisyo ng PhilHealth.

About The Author