dzme1530.ph

DOH, NILINAW NA MAY 33 PAGAMUTANG NAKAHANDA PARA SA LEPTOSPIROSIS PATIENTS

Loading

Nilinaw ng Department of Health na mayroong tatlumpu’t tatlong ospital na nakahanda para sa mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis matapos ang pagbaha sa iba’t ibang lugar.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Dr. Anne Dominique Matibag, National Program Manager for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases and for Rabies Prevention and Control, hindi lamang ang National Kidney and Transplant Institute ang maaaring mapuntahan ng mga pasyenteng may leptospirosis.
 
Sinabi ni Matibag na ang mga DOH-hospitals ay mayroon Leptospirosis Fast Lane.
 
Kasabay nito, patuloy ang paalala ng DOH sa publiko kaugnay sa pagtaas ng tinatawag nilang wild diseases ngayong tag-ulan.

About The Author