![]()
Hindi bababa sa 29 na mga estudyante mula sa Tulalian National High School sa Santo Tomas, Davao del Norte, ang isinugod sa ospital matapos makitaaan ng mga sintomas ng hinihinalang food poisoning.
Mula sa 29 na mag-aaral, 18 ang ni-refer sa Davao del Norte Hospital-Carmen Zone; apat sa Davao Regional Medical Center; at isa ang inilipat sa private hospital dahil sa request ng mga magulang.
Anim naman ang clinically cleared na ang ibig sabihin ay wala nang sintomas ng food poisoning.
Dinala sa ospital ang mga biktima matapos kumain ng binili nilang “binignit” at “gulaman” sa paaralan.
Ayon sa hepe ng Santo Tomas Municipal Police Station, inutusan umano ng vendor ang kapatid nito na bumili ng one-fourth kilo ng puting asukal mula sa isang tindahan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naghihinala ang mga awtoridad na bleaching powder, sa halip na asukal, ang naihalo sa pagkain at inumin.
