dzme1530.ph

DOH, TINIYAK ANG KAHANDAAN SAKALING SUMIRIT ANG KASO NG LEPTOSPIROSIS BUNSOD NG PAGBAHA

Loading

Handa ang Department of Health (DOH) na tugunan ang lumolobong kaso ng leptospirosis, matapos marami ang napalusong sa maruming tubig baha noong mga nakalipas na linggo dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
 
Ayon sa ahensya, inactivate ng tatlumpu’t tatlong DOH hospitals sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region, ang “Leptospirosis Fast Lanes” para sa mabilis na matugunan ang mga pasyente.
 
Tiniyak din ng DOH na sa pamamagitan ng surge capacity management, sapat ang mga kama o bed capacity at gamot para sa mga pasyente na kailangang i-admit.
 
As of Aug. 22, nakapagtala ang Health Department ng 4,285 leptospirosis cases sa buong bansa.
 
Mas mababa ito ng 37% kumpara sa 6,839 cases na na-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author