dzme1530.ph

PNP, PINAIGTING ANG DISASTER RESPONSE SA MGA KOMUNIDAD NA SINALANTA NG HABAGAT

Loading

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang disaster response operations sa gitna ng mga pag-ulan mula sa pinalakas na Habagat na nakakaapekto sa vulnerable areas.
 
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na nananatiling naka-deploy ang kanilang mga tauhan sa buong bansa at mayroon pang mga ipapakalat kung kinakailangan para tumulong sa mga komunidad.
 
Aniya, magpapatuloy ang kanilang rescue and evacuation operations, pagbabantay sa evacuation centers, paglilinis sa mahahalagang kalsada, at paghahatid ng tulong sa mga komunidad na nananatiling apektado.
 
Sa tala ng PNP, 180 individuals na ang na-rescue ng kanilang team habang 164 relief operations ang natulungan sa gitna ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan sa National Capital Region at sa mga kalapit na lalawigan.
 
Kabuuang 689 police personnel ang ipinakalat, kasama ang patrol vehicles, at mga bus at truck, na nagbigay ng libreng sakay para maghatid ng mga stranded na residente.

About The Author