![]()
Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Neneng habang patuloy na kumikilos sa katubigan ng Batanes.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo, kaninang 8:00 AM, 555 km silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugso na hanggang 70 km/h.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 30 km/h.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang magla-landfall ang Bagyong Neneng sa kahabaan ng eastern coast ng Taiwan sa pagitan ng Huwebes ng hapon at Biyernes ng umaga.
Samantala, Habagat pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro, ngayong Miyerkules.
Inaasahan naman ang paminsan-minsang pag-ulan Metro Manila, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, at Oriental Mindoro bunsod din ng Habagat.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon, Antique, at Aklan.
Habang magkakaroon ang Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkulog at pagkidlat bunsod ng localized thunderstorms.
Sumikat ang araw kaninang 5:43 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:17 ng gabi.
