![]()
Pinagmulta ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin ng 9.8 million pesos, gayundin ang Ateneo de Manila University ng 4.9 million pesos, dahil sa paglabag sa employment rules para sa mga dayuhan.
Inatasan ng DOLE si Baldwin na magbayad ng 4.9 million pesos dahil sa kabiguang kumuha ng Alien Employment Permit at panibagong 4.9 million pesos bunsod ng paglabag sa employment rules for foreign nationals.
Pinagbayad din ang Ateneo ng 4.9 million pesos sa pagkuha kay Baldwin, na isang US-New Zealand national, bilang empleyado, nang walang mga kaukulang dokumento.
Humarap ang basketball coach sa DOLE panel kasama ang kanyang abogado habang ang university president na si Roberto Yap ay kinatawan nina Atty. Joseph De Jesus at Atty. Krishna Santos.
Nag-ugat ang labor case mula sa imbestigasyon kasunod ng pagpanaw ng Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Alili sa team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo.
