![]()
Ang meningitis ay pamamaga ng mga bahagi na nakapalibot sa utak at spinal cord.
Maaari itong sanhi ng virus, bakterya, fungi, at iba pang impeksyon.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito ang biglaang lagnat, matinding sakit ng ulo, paninigas ng batok, pagduduwal o pagsusuka, pagkahilo, hirap sa pag-focus at pagkalito.
Sa ilang kaso, maaaring magkaroon ng pamumula o mga butlig sa balat, pamamanhid, panghihina, o kombulsyon.
Sa mga sanggol, maaaring makita ang pagiging iritable, mahinang ganang kumain, sobrang pagkaantok, o pag-umbok ng bumbunan.
Partikular na mapanganib ang bacterial meningitis dahil maaari itong lumala nang mabilis at magdulot ng malubhang komplikasyon o kamatayan kapag hindi agad nagamot.
Maaaring makatulong ang bakuna sa pag-iwas sa ilang uri ng meningitis.
Mahalaga rin ang wastong paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa pagbabahagi ng mga gamit na napapasahan ng laway, at pagpapatingin agad kapag may kahina-hinalang sintomas.
Paalala ng mga eksperto, kung may biglaang matinding sakit ng ulo, lagnat, paninigas ng batok, pagkalito, at kombulsyon, agad pumunta sa pagamutan para mabilis na mabigyan ng medical attention.
