dzme1530.ph

BAHA SA LAS PIÑAS, HINDI NA KASING LALA GAYA NG DATI PERO MARAMI PANG KAILANGANG GAWIN, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Hindi na kasing lala gaya ng dati ang baha sa Las Piñas City.

Ito, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay dahil sa isinasagawang dredging at drainage-clearing efforts ng pamahalaan.

Sa ambush interview sa kanyang pagbisita sa lugar, sinabi ni Marcos na tila may epekto naman ang mga hakbang ng gobyerno, sa gitna ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Aniya, kung dati ay umaabot hanggang dibdib ang baha sa Las Piñas, medyo nabawasan na ito ngayon, at hanggang ibaba na lamang ng tuhod.

Gayunman, aminado ang Pangulo na marami pang kailangang gawin upang masolusyunan ang problema sa baha.

Binigyang-diin ni Marcos na nahinto ang dredging ng 12 years dahil sa moratorium, dahilan para unti-unting bumabaw ang mga ilog at spillways.

About The Author