dzme1530.ph

MGA BAGONG PANGALAN NA TUMANGGAP NG CONFIDENTIAL FUND MULA SA OVP AT DEPED, LUMUTANG

Loading

May mga bagong pangalang lumutang sa pagbusisi ng prosecution panel sa mga acknowledgment receipts kaugnay sa paggamit ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
 
Sa presentasyon sa state auditor na si Xylene Del Campo, nakatanggap ng pondo sina:
 
Ralph Joson Bacon na tumanggap ng 150,000 pesos;
Anne Ongpauco na binayaran ng 50,000 pesos;
Heart Santiago na nabigyan ng 250,000 pesos para sa rental ng supplies, materials at equipment;
Feonna Villegas na nabayaran ng 500 thousand pesos para sa mga biniling supplies, materials at equipment;
Beth Revilla na binigyan ng 50 thousand pesos;
Clarisse Hontiveros na nakatanggap ng 500,000 pesos;
Jose Diokno Jr. na nabayaran ng 120,000 pesos;
Diane Maple Lapid na tumanggap ng 150 thousand pesos;
John A. Lapid na tumanggap ng 350,000 pesos;
Beverly Pampano na nakatanggap ng 130 thousand pesos;
At Macho Keso na tumanggap ng 250 thousand pesos.

About The Author