dzme1530.ph

IKA-14 NA IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE, UMARANGKADA

Loading

Nagpatuloy na ang ika-14 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Present sa pagdinig ngayong araw ang labingwalong senator-judges.
 
Sa pagbubukas pa lamang ng trial, inireklamo na ni Atty. Lorna Kapunan, legal counsel for prosecution team, ang tinawag niyang pang-iindian sa kanila ng defense team para sa pagharap nila upang magkumpara ng mga dokumento tulad ng acknowledgment receipts kaugnay sa paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education.
 
Ipinaliwanag ni Kapunan na bilang pagtalima sa direktiba ng Impeachment Court, nakipag-ugnayan sila sa defense panel para sana sa pagharap noong Huwebes o Biyernes.
 
Subalit nakatanggap lamang anya sila ng sagot mula sa defense noong Huwebes ng hapon at sinabing sa August 14 pa sila available.
 
Sinabi ni Kapunan na maituturing itong hindi pagsunod sa direktiba ng Impeachment Court.
 
Iginiit naman ng defense counsel na si Atty. Kristine Ferrer na wala na silang nakikitang pangangailangan na magsagawa pa ng comparison dahil maaari naman itong iprisinta sa open court.
 
Sinabi ni Ferrer na hindi sila tututol sa presentasyon ng mga acknowledgment receipts subalit isasailalim nila ito sa cross-examination.
 
Hiniling naman ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero sa depensa na bigyan sila ng kopya ng lahat ng pre-marked evidences upang sila na lamang ang magkumpara.
 
Mistula ring tinuturuan ni Escudero si Kapunan na hindi pang-iindian ang tawag sa ginawa ng depensa kundi panggo-ghost dahil wala pa silang napagkasunduang petsa ng pagharap.

About The Author