dzme1530.ph

TRANSPARENCY SA PAGGAMIT NG BUDGET KASUNOD NG MGA PAGBAHA, MULING IGINIIT

Loading

IGINIIT ni Senador Bam Aquino sa gobyerno na bigyang-prayoridad ang transparency sa pagbalangkas ng budget sa gitna ng panibagong mga insidente ng pagbaha dahil sa iba’t ibang bagyo at Habagat.
 
Sinabi ni Aquino na karapatan ng publiko na magkaroon ng malinaw at napapanahong impormasyon kaugnay sa mga proyekto ng gobyerno na pinopondohan ng pera ng taumbayan.
 
Idinagdag ng senador na mahigit isang taon na nang isinulong ang imbestigasyon sa mga flood control projects, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang mga isyu ng katiwalian.
 
Dapat anyang malinaw sa taumbayan kung saan napupunta at paano ginagamit ang bilyong-bilyong pisong pondo na inilaan sa flood control.
 
Muling iginiit ni Aquino ang pangangailangang isabatas na ang kanyang panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act, na tinatawag ding Blockchain Budget Bill, upang mapalakas ang transparency at accountability sa government spending.

About The Author